Gastos sa impeachment trial P6 milyon na

NASA P6 milyon na ang nagagastos ng Kongreso sa ginaganap na impeachment trial laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Nabatid na sa nasabing halaga, P3.4 milyon dito ay mula sa gastos ng House prosecution panel.

Ani House Account Committee Chair Florencio Noel, P1.5 milyon ang nagagastos sa pagkain ng prosekusyon, habang sa miscellaneous expenses naman ang natitirang halaga.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis, inaasahang gagastos pa ang Kamara ng P2 milyon.

Samantala, sa datos naman ng Senado, umaabot naman sa P2.4 milyon ang nagastos sa pagdinig mula Enero 16 hanggang Marso 6, halos kalahati rito ay ipinambayad sa overttime pay ng mga empleyado, habang sa supplies naman ang ibang gatusin, kasama na ang electric bills.

Aabot naman sa P5 milyon ang kabuuang halaga na inilaan ng Senado para sa impeachment trial.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply