Gatdula ‘di sumipot sa RTC

NAGBABALA ang korte na ibabasura ang petition for writ of amparo na isinampa ni dating NBI director Magtanggol Gatdula laban sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation kapag muli itong hindi lumantad.

Ito ay matapos na mabigo si Gatdula na dumalo sa pagdinig ng husgado kaugnay sa nasabing kaso.

Tanging si Assistant Solicitor General Amparo Cabotaje Tang na kumakatawan sa DOJ at sa NBI ang dumalo sa pagdinig ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo.

Muli namang itinakda ng hukom sa Marso 7, alas-8:00 ng umaga, ang pagdinig sa mga kahilingan ng dating NBI chief.

Ayon kay Judge Pampilo, nagkamali  ng calendar hearing ang kampo ni Gatdula.

Para naman kay Assistant Solgen Tang, ang hindi pagdalo ni Gatdula ay kawalan ng interest sa kanyang petisyon.

Naghain na rin ng memorandum ang Solgen bilang suporta sa pagtutol sa petisyon ni Gatdula.

Una nang dumulog sa husgado si Gatdula upang hindi siya saktan ng mga respondent at hindi makagawa ng mga pekeng ebidensiya na magdidiin sa kanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply