Gatdula no show sa preliminary investigation

HINDI sumipot si dating NBI director Magtanggol Gatdula sa itinakdang preliminary investigation ng Department of Justice kaugnay sa kinakaharap na kasong kidnapping, extortion at serious illegal detention.

Wala ring kinatawan o representative na abogado si Gatdula na dumalo sa pagdinig kaninang alas-10:00 ng umaga.

Dumating naman ang complainant na si Noriyo Ohara at wala itong kasamang abogado.

Humarap din sa pagdinig ang mga respondent na sina Mario Garcia, dating hepe ng NBI-Security Management Division, Virgilito Gutierrez, kilala bilang Labskie, Jay Ducussin at Raul Dimaano.

Nais naman ni Atty. Romy Esmera, abogado nina Gutierrez at Ducusin na mag-inhibit ang panel of prosecutors na pinangungunahan ni Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera at mailipat din ng venue ang pagdinig at motion to dismiss.

Ayon sa abogado, walang sapat na ebidensya para ituloy ang proceedings dahil puro kuwento lang ang nagaganap.

Nilinaw din ng kampo ni Esmera na maaari lang patunayan ang bribery sa pamamagitan ng entrapment.

Dagdag pa ni Esmera na selective prosecution lamang ang nangyayari.

Ang kidnapping ay nagagawa lamang aniya ng pribadong indibidual gayung ang nangyari ay isang lehitimong operasyon at legitimate confidential agent si Gutierrez.

Hiningi naman ni Atty. Oscar Raro, abogado ng respondent na si Garcia, na bigyan sila ng sapat na panahon para makapagsumite ng kontra-salaysay ang kanyang kliyente.

Itinakda ng panel of prosecutors sa March 21 ang pagdinig at inaatasan si Ohara ng DOJ na maghain ng komento sa petition to suspend proceedings ni Gatdula at reply affidavit para naman sa isinumiteng counter affidavit nila Ducussin at Gutierrez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply