Gatdula sinubpina ng DOJ

IPINAHAHARAP sa Department of Justice si dating National Bureau of Investigation Director Magtanggol Gatdula kaugnay sa reklamo ng undocumented Japanese national na si Noriyo Ohara.

Nagpalabas ng subpoena ang DOJ laban kay Gatdula upang humarap sa pagdinig sa ang mga kasong kidnapping, serious illegal detention, grave coercion, falsification and robbery.

Batay sa subpoena na nilagdaan ng binuong panel of prosecutors, pinapadalo si Gatdula sa itinakdang pagdinig sa Marso 12, 10:00 ng umaga

Pinagsusumite rin si Gatdula ng kanyang counter affidavit at supporting document para suportahan ang kanyang depensa.

Bukod kay Gatdula, pinatawag rin ng DOJ ang nasibak na head ng Security Management division ng NBI na si Mario Garcia at limang iba pa.

Magugunita na nasangkot si Gatdula sa naganap na pagkidnap at pangingikil ng P6 milyon kay Ohara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply