Gatdula walang planong patulan ni de Lima

PAGSASAYANG lamang ng panahon!

Ganito itinuturing ni Justice Secretary Leila de Lima nang tanungin kung may plano ba siyang  mag-kontra demanda kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula dahil sa mga paratang nito.

Matatandaan na tahasang sinabi ni Gatdula na isa si de Lima sa nagnanais siyang itumba.

Balik naman ni De Lima na marami siyang ginagawa at marami siyang iniimbestigahan kaya hindi niya naiisip ang pagsasampa ng kaso kay Gatdula.

Ayaw din niya aniyang bigyan ng dangal ang paratang ni Gatdula dahil wala naman siyang criminal mind.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply