GenSec ng WCC hindi inisnab ni PNoy

HINDI inisnab ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkikita sana nila ni Rev. Dr. Olav Fykse Tveit, General Secretary ng World Council of Churches (WCC) nitong Biyernes, Marso 23, 2012 ayon sa Malakanyang.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, magkasalungat ang iskdeyul nina Pangulong Aquino at Rev. Dr. Tveit kaya hindi naging matagumpay ang  unang pagkakataon sana nilang pagkikita.

“Unfortunately, scheduling constraints on both sides was the reason why the WCC was not able to meet with the President. WCC”s requested date for the courtesy call was on the as the State visit of the Amir of Kuwait,” ayon  kay Usec. Valte.

Sa ulat, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang National Council of Churches in the Philippines (NCCP) sa naudlot na pagkikita sana nina PNoy at Rev.Dr. Tveit.

Sa naunang dayalogo sa WCC, isang grupo ng mga biktima ng human rights violations at kanilang pamilya ang kumumpirma na mayroon ding nangyaring human rights violations sa ilalim ng  administrasyong Aquino.

Iyon anila ang dahilan kung bakit agad na inimplementa ng pamahalaan ang Oplan Bayanihan, ang counterinsurgency plan na ang layunin ay bawasan ang kalaban ng estado.

Hiniling ng grupo sa WCC na tulungan sila na mag-lobby sa gobyerno ng Pilipinas na itigil na ang Oplan Bayanihan.

Sinasabing may ilang miyembro rin ng WCC ang kasama sa naging nabiktima ng extrajudicial killings mula 2001 hanggang sa kasalukuyan.

Si Tveit  ay nasa bansa para sa pre-assembly conference ng Commission for World Mission ng WCC at Evangelism (WCC-CWME) na magbubukas ngayong  Marso 22 sa Traders Hotel sa Maynila.

Ang komperensiya ay tatagal hanggang Marso 27.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply