GGC Mall ‘namahinga’ na

ANG Gotesco Grand Central Mall sa Monumento, Caloocan City ay establisimyentong punong-puno ng kontrobersya dahil mula nang maitayo ito noong 1980’s ay hindi na ito hiniwalayan ng problema.

Naging sanhi ito ng ‘di mapatid-patid  na ‘away’ ng mga pulitiko dahil sa isyung ang lupang kinatatayuan ng GGC ay naibenta sa murang halaga noon pang panahon ni dating Mayor Rey Malonzo.

Paano nga napasakamay ng Go family ang lupa gayong sa una pa lamang ng transaksyon ay may problema na sa presyo ang kinatatayuan ngayon ng nasabing mall?

Makapangyarihan kasi ang pera.

Kuwento ng isang dating City Hall official na batid ang sikretong ‘lot sale deal’, bumaha ang pera para maisakatuparan ang bentahan. At mga kasalukuyang opisyal at ex-official daw ng lungsod ay ‘kumita’.

Sarsuela lang ang bangayan ng mga kasalukuyang opisyal at ex-official para mailibre ang mga sarili sa kasalanan. Ang katotohanan, ang GGC ay naging ‘milking cow’ ng mga corrupt na Caloocan official.

Sa madaling sabi, ang may-ari ng mall ang naging kawawa dahil walang kinita sa pagtatayo niya ng GGC. Naubos ang kanyang pera sa kahihingi ng mga tiwaling leader at ex-leader ng lungsod.

May isang mayor nga na nais agawin sa mga Go ang mall dahil sa ‘manufactured issue.’ Para matigil na ang pag-iinteres sa kanyang mall, nag-deliver ng sako-sakong pera ang mga Go sa gagong alkalde.

Sa mahigit tatlong dekada, nakadikit ang kontrobersya sa GGC at ayaw umalis ang problema sa mga Go. Ngayon na abo na ang mall, makakapagpapahinga na ito sa mga isyu at problema para sa may-ari.

Sa pagkakasunog ng gu-sali, ‘di lang ang mga Go ang nawalan, ang mga may-ari ng iba’t ibang negosyo sa loob nito na nawalisan ng paninda dahil sa sunog ay nagilitan din ng pagkakakitaan.

Kung ngayon ay nalulungkot ang GGC owners at mga nasunugan na store operators ng mall, may lubos din na natutuwa.

Yan ang alkaldeng may-ari ng mall na malapit lang sa fire scene.

Ngayong nasunog na ang Gotesco Grand Central, mamamahinga na rin kaya sa problema ang mga Go?

Hangga’t may mga gagong namumuno sa Caloocan, ‘di dapat maging kampante ang mga Go. That’s for sure.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply