Gin Kings kumawala sa Tigers

BUMALIK ang kompiyansa ng Barangay Ginebra Gin Kings matapos iwaanan ang Powerade Tigers na pareho ang kartaada sa team standings sa kanilang 105-96, na panalo, ngayon lamang sa Ynares Center, Antipolo, Rizal sa pagpapatuloy ng 2012 PBA Commissioners Cup.

Lamang ang Gin Kings ng isa sa halftime 48-49 matapos umabante ang mga bataan ni coach Siot Tanquengcen ng 15 puntos sa second half.

Pansamantalang tumahimik ang crowd ng Ginebra nang makabalik ang Tigers at matapyas sa 8 puntos ang kalamangan ng Kings 86-95 sa huling 3 minuto ng laro.

Lalo pang pinaigting ang depensa at opensa ng Kings para  maibulsa ng Ginebra ang ika-3 panalo at okupahin ang ika-2 puwesto sa team standing.
Nagpakitang gilas Si Mark Caguioa na kumana ng 31 puntos, 8  rebounds at 13/22 na field goals, percentage sa laro.

Samantala, wagi ang sister team ng Ginebra na Petron Blaze Boosters, 110-103 nang gumawa ng bagong career high si Arwind Santos na may 34 puntos, 13 rebounds at 13/20 field goal percentage sa laro.

Nasa ika-3 puwesto sa team standing ang Petron kasama ang Alaska Aces at B-meg Derby Ace Llamados.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply