Gina Lopez, Manny Pangilinan nagkainitan

NAGING literal na mainit ang isinagawang mining conference sa isang hotel sa Makati kanina matapos magkasagutan ang pro at anti-mining groups.

Partikular na nakabanggaan sina Gina Lopez, managing director ng ABS-CBN Foundation at convenor ng Save Palawan Movement at Manny Pangilinan.

Ito ay matapos tawagin ni Pangilinan si Lopez na sinungaling  at maungkat ang isyu ng West Tower condominium na sangkot ang First Philippine Industrial Corp na pag-aari ng pamilya Lopez.

Naging personal ang banat ni Pangilinan nang manindigan ang grupo ni Lopez na nakasisira sa kalikasan ang pagmimina na kinontra naman ng mining groups.

Naunang nanindigan sina Gerard Brimo ng Chamber of Mines in the Philippines at Pangilinan ng Philex Mining Corp na nakabubuti sa bansa ang ginagawa nilang pagmimina.

“Let’s look at face of small-scale mining. There was P43 billion worth of gold sold to the central bank. There is child labor, there are no taxes. Why the attack on large-scale? On mining and food security, there’s a misconception,” wika ni Brimo.”Poverty is misconstrued. This includes small-scale areas, these are not the legitimate large-scale mines.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply