Ginang binaunan ng tingga sa ulo, patay

PATAY ang isang ginang matapos barilin sa ulo ng kanyang kapitbahay sa Quezon City kagabi, Marso 10.

Kinilala ang biktima na si Gloria Gatallo, 59, ng 67 West Riverside, Brgy. San Francisco del Monte, QC.

Si Gatallo ay idineklarang dead on arrival sa St. Agnes Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

Tumakas naman ang suspek na si Jose Lava Jr., 65, ng naturan ding lugar, kapitbahay ng biktima.

Ayon kay SPO4 Jun Mortel desk officer ng QCPD-CIDU, naganap ang insidente 11:55 ng gabi kagabi sa 67 WestRiver Side St., Brgy. San Francisco del Monte.

Matutulog na sana ang anak ng biktima na si Felipe Gatallo Jr.,nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at nang lumabas ng bahay para silipin ang pinanggalingan ng putok ay nakita niya ang bangkay ng ina.

Nabatid pa kay Mortel na nakita ng asawa ng biktima ang suspek na papalayo sa lugar at may bitbit na baril matapos ang insidente kung kaya hinihinala ng awtoridad na may kinalaman ang suspek sa krimen.

Inaalam na rin ang motibo sa pamamaril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply