Globe anti-nakaw load magaling

MAGANDA ang naisip ng Globe Telecom tungkol sa isang serbisyong kamakailan lang ay kanyang inilunsad kaalinsabay sa isang malawakang investment na nagkakahalaga ng $790 million upang ma-address ang mga pangangailangan ng mga subscriber nito.

Ang investment na ito na pinasinayaan sa Malakanyang noong nagdaang buwan ay nagpapatunay ng pagbibigay malasakit nito sa subscribers niya.

Katunayan, ang ginawa ng Globe telco na pandagdag ng pamuhunan para gawing state of the art ang bawat cellsite nito ay bunsod na rin sa dumarami niyang subscriber base na alam ko ay lumipat sa kanila ng dahil na rin sa mga problemang dulot ng ibang telco. Una na rito ay ang pagkawala ng mga load nila sa kanilang cellphone.

Pag nawala ang load, hindi na sila makatawag sa kanilang pamilya at kailangan pa silang mag-load ulit. Sa Globe wala na ang tinaguriang “nakaw-load.”

Marami ang humanga sa paglulunsad ng Globe ng isang load notification service na panlaban sa nakaw-load. Ito’y upang matiyak ang lubos na kasiyahan ng patuloy na lumalaking bilang ng Globe prepaid subscribers. Libre itong serbisyong ito at kinakailangan lamang na dumayal sa *143#.

Ang mga prepaid subscriber ay tatanggap ng text alerts sa kanilang mobile phones sakaling ang kanilang load ay umabot na lamang sa P5 o mas mababa pa, kapag wala nang sapat na balance para makatawag o makapagpadala ng text, at sa bawat successful na tawag. Ang mga automatic alert na ito ay magsasabi ng natitira pang halaga ng load, expiry date at oras ng promo, gayundin ang promo balance, upang mabigyan ang subscriber ng pagkakataon na makapag-load para makapagtext o makatawag sa mga susunod na oras o araw.

Sa Globe Prepaid Load Watch, hindi na kailangang mag-balance inquiry ang prepaid subscribers para malaman ang kanilang load balance. Makatitiyak din sila na walang mangyayaring “nakaw-load” dahil nasusundan nila ang kanilang load balance matapos ang ilang piling transaksyon.

“Isa sa mga isyu na laging pinoproblema ng prepaid subscribers ay ang mga hindi maipaliwanag na pagkawala ng kanilang load.

Sa pamamagitan ng Globe Prepaid Load Watch, ang mga prepaid subscribers ay hindi na kailangan pang mabahala dahil nalalaman nila ng mas madalas ang kanilang load balance sa pamamagitan ng up-to-date notifications na galing mismo sa Globe Prepaid,” paliwanag ni KD Dizon, Head ng Globe Prepaid.

Sa pamamagitan ng kakaibang serbisyong ito mula sa Globe Prepaid, ang mga prepaid users ay mas kampante at sigurado sa bawat gamit ng kanilang prepaid load para tuluyan nang maiwasan ang nakaw-load. Kaya kung ikaw ay naka-Globe Prepaid, siguradong protektado ka sa nakaw-load.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply