GMA, 3 pa ipinaaaresto sa NBN-ZTE deal

IPINAG-UTOS ng Sandiganbayan anti-graft court ang pag-aresto kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at asawang si Jose Miguel kaugnay sa NBN-ZTE deal.

Kasama sa ipinaaresto ay sina dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos at dating Transportation and Communications secretary Leandro Mendoza.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nakahanda ang dating first gentleman na harapin ang kaso at maglagak ng kaukulang piyansa.

Matatandaang iginiit na noon ng mga sangkot na walang basehan ang kaso dahil hindi natuloy ang kontrata.

Pero ayon sa isinampang kaso ng Office of the Ombudsman, malinaw na ginamit umano ng mga akusado ang kanilang impluwensiya upang maisulong ang $329-million contract sa Chinese firm na ZTE Corporation.

Samantala, sina dating Pangulong Arroyo at Abalos ay kasalukuyang nakakulong na sa magkahiwalay na kasong electoral sabotage.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply