UPDATE: Ex-Pres. Gloria Arroyo balik VMMC na

BALIK Veterans Memorial Medical Center (VMCC) na si dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo mula sa pagdalaw sa burol ng kanyang bayaw na si Rep. Iggy Arroyo sa La Vista, Quezon City.

Eksatong 4:10 ng hapon kanina nang muling sumakay sa kanyang convoy si GMA para sundin ang utos ng Pasay RTC na hanggang 4 ng hapon lamang siyang maaaring manatili sa burol ni Iggy.

Nakadalaw sa burol ni Iggy si GMA matapos payagan ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Jesus Mupas ng walong oras, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon kanina.

Nabatid na 7:45 ng umaga nang umalis si Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) suot pa rin ang kanyang neck brace.

Nauna namang dumating si dating first gentleman Mike Arroyo sa La Vista kasama ang isa pa niyang kapatid na si Mary Lou at dalawa pang anak ni Rep. Iggy sa lugar.

Alas-4:10 naman nang umalis ang convoy ang dating pangulo sa conjugal home nina Rep. Iggy at Aleli Arroyo, at eksaktong 4:23 nang makabalik sa VMMC.

Ilan sa naispatang dumalaw sa burol ni Igyy ay sina Mike Defensor at dating DOJ Secretary Agnes Devanadera.

Dadalhin naman ang labi ni Rep. Iggy sa Kongreso bukas, Marso 2, bago sa Bacolod at saka ibabalik sa La Vista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply