GMA bokya sa libing ni Iggy Arroyo

HINDI pinahintulutan ng korte ang hirit ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na payagan siyang makipaglibing sa namayapang bayaw na si Negros Occidental Representative Ignacio “Iggy” Arroyo sa Biyernes sa Manila North Cemetery makaraang ibasura ang kanilang hiling ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) kanina.

Ito’y makaraang harangin ng tagausig ng Commission on Election (Comelec) ang inihaing mosyon ni Atty. Ray Montri Santos na pahintulutan ang kanilang kliyente na muling makapagtungo sa kanilag ancestral house sa La Vista, Quezon city sa Huwebes at payagang makipaglibing sa araw ng Biyernes.

Gayunman, pinagbigyan pa rin ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng Branch 112 si Gng. Arroyo na dumalo sa huling misa sa Biyernes na umaga para sa namayapang bayaw na gaganapin sa bahay ng pamilya Arroyo sa La Vista bago siya ihatid sa huling hantungan.

Sa oras na matapos na ang misa, kinakailangan nang ibalik sa VMMC si Gng. Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply