GMA handa sa bail hearing ngayong araw

NAKATAKDANG dinggin ang paglalagak ng piyansa ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Pasay Regional Trial Court ngayong araw.

Ayon kay Atty. Benjamin Santos, nakahanda ang kanilang kampo na kontrahin ang ihaharap na testigo at ebidensiya ng prosekusyon.

Ani Atty.Santos, kailangan munang makumbinsi ng prosekusyon ang korte na malakas ang kaso sa pamamagitan ng ipiprisintang ebidensiya at testigo.

Batay aniya sa Saligang Batas, karapatan ng isang akusado na makapaghain ng piyansa kung walang matibay na basehan sa kanyang pagkakasala.

Sinabi naman ng prosekusyon, na mayroon silang ebidensiya at testigo para sa electoral sabotage laban sa dating Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply