GMA hindi na tatakbo sa 2013

INIHAYAG ng Lakas-CMD Party na wala nang balak pang tumakbo si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa 2013 mid-term elections.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., presidente ng Lakas-CMD na wala nang plano pang tumakbo si dating Pangulong Arroyo sa hindi binanggit na kadahilanan.

“Nakausap ko na ang mga taong malalapit sa kanya, hindi talaga siya tatakbo,” wika ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr.

Ayon kay Revilla, wala ring balak ang partido na bumuo ng kumpletong 12-man Senatorial slate sa darating na halalan bagkus ay makikipag-koalisyon lamang sila sa partido ni Vice-President Jejomar Binay.

Ang posibleng maging kandidato ng Lakas sa ilalim ng koalisyon ng PDP-Laban ni Binay ay sina Zambales Rep. Ma. Milagros Magsaysay, Raul Lambino at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla.

“Yung kay Lani naman pino-float pa lang yung pangalan niya. Kung ako naman ang masusunod, ayaw kong tumakbo siya. Hindi maganda sa paningin ng publiko na magkasama sa Senado ang mag-asawang senador,”paliwanag ni Revilla.

Sinabi naman ni Sen. Bong na sa 2016 magtatapos ang kanyang term sa pagkasenador. Aniya pwedeng magretiro siya o kaya tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.

Nauna rito, napaulat sa Kamara ang posibleng pagtakbo ni dating Pangulong Arroyo sa 2013 Senatorial elections kahit na naka-hospital arrest ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply