GMA ihihirit na gawin ang mug shot sa VMMC

INAASAHANG maghahain ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Sandiganbayan ng mosyon upang hilingin na isagawa ang pagkuha ng mug shot at finger printing sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC).

Sinabi ni Atty. Lawrence Hector Arroyo, isa sa mga abogado ni Ginang Arroyo, na may commitment order ang Pasay Regional Trial Court na nag-uutos na manatili ang kanyang kliyente sa VMMC.

Si Gng. Arroyo ay naka-hospital arrest sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply