GMA makakapunta sa huling misa ni Rep. Iggy

PINAHINTULUTAN na ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makadalo sa huling misa ng kaniyang bayaw na si Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo sa Biyernes (Marso 9).

Matapos ang closed door conference ng depensa at prosekusyon kasama si Judge Jesus Mupas, nagdesisyon ang hukom na padaluhin sa funeral mass si Ginang Arroyo.

Ayon kay Atty. Ray Montri Santos, isa sa mga abogado ni Ginang Arroyo, aalis ang dating Pangulo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dakong alas-7:30 hanggang alas-8:00 ng umaga sa Biyernes para dumalo sa alas-10:00 na funeral mass sa La Vista, Quezon City.

Pero hindi na iginiit ni Gng. Arroyo na makadalo pa sa  libing ng bayaw sa Manila North Cemetery.

Samantala, hindi pinagbigyan ng korte na muling makabalik sa La Vista si Ginang Arroyo kahit pansumandaling oras sa Huwebes (Marso 8).

Matapos naman ang funeral mass sa Biyernes at kapag naialis na ang mga labi ni Rep. Iggy sa La Vista patungong sementeryo ay agad nang ibabalik sa VMMC ang dating Pangulo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply