Golden Boot award iniuwi ni Phil Younghusband

SI Azkals striker Phil Younghusband ang nag-uwi sa Golden Boot award dahil sa dami ng goals na nagawa sa ginanap na 2012 AFC Challenge Cup sa Nepal na nagtapos kahapon. Lunes.

Nakagawa si Younghusband ng anim na goals sa torneyo para pangunahan ang Pilipinas sa makasaysayang third-place finish sa kompetisyon.

Ang ex-Chelsea reserve player ay unang kumana ng puntos apat na minuto, makaraang umpisahan ang laban para sa third place battle kalaban ang Palestine.

Ang ikalawang goal ni Younghusband ay nangyari matapos naman ang 24 minuto via penalty.

Ikinatuwa naman ni Azkals coach Michael Weiss ang award na nakuha ng kanyang bataan.

“I am very proud to be part of this development of Philippines’ football and I look forward to it continuing.”

“I also want to take the opportunity to thank all our fans in the Philippines, in the Gulf, in Europe and all over the world who have supported us. Without them, what we have achieved would not have been possible.”

Dagdag pa ng German gaffer na hindi niya inasahan na maka-third place pa ang koponan lalo na at galing sa pagkatalo ang Azkals at dismayado sa hindi pagkakapasok sa finals.

“Overall, I think we deserved to finish third and I thank my players for their never-say-die attitude,” aniya.

Maging ang Palestinian football fans ay nagpahayag din ng pagbati sa Azkals sa pamamagitan ng social media site na Twitter.

Itinanghal naman na kampeon ang North Korea nang talunin ang Turkmenistan, 2-1, sa kanilang mahigpit na laban.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply