Good job, San Pedro Police sa Laguna; Pacquiao kinasuhan ng BIR

FIRST, nais pong pasasalamatan ng Pinoy Hot Line ang ating magagaling na kapulisan diyan sa San Pedro Police Station sa San Pedro, Laguna na sina P/Supt. Kerby John B. Kraff, P/S. Insp. Jaime S. Pederio Jr., at SPO4 Edwin Goyena, dahil sa mabilis nilang pag-aksyon na maipasara ang iligal na pasugalan o peryahan sa kanilang nasasakupan kamakalawa ng gabi dahil na rin sa natatanggap na mga reklamo ng inyong lingkod mula sa mga residente roon.
Saludo po ang Pinoy Hot Line sa inyo, mga Sir!
Samantala, tatlo pang iligal na pasugalan ang inirereklamo ng mga residente mula sa bayan ng Biñan, Laguna; Carmona, Cavite at sa Quezon City… at ito po ay aaksyunan ng Pinoy Hot Line sa lalong madaling panahon.
Abangan….
Sa ibang dako, nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa eight-time world champion na si Manny Pacquiao nitong nakaraang linggo dahil sa kabiguang makipag-ugnayan sa ginagawa nilang pagsisiyasat na may kinalaman sa buwis.
Anong sey n’yo rito, mga kababayan? Basa…
***
KAYUNG NASA BIR, YUNG MGA CORRUPT NA PULITIKO HABULIN NYO WAG SI PACQUIAO, IBINI-BULSA NYO LANG NAMAN PERA NA KOKOLEKTA NYO, MGA BUWAYA!!!!!!!!!!
—YellowRibbon
***
Palabas na naman ito nang BIR. Kalaban yata ni Pnoy si Pacman.. Kawawang Pacman. Ang pera niya hindi galing sa Kurakot, kungdi sa isang hanapbuhay na buhay ang puhunan. Ikaw kaya ang maki pag bugbugan para mag ka pera lamang. Siguro hindi mo kaya… Ingit lamang sila dahil may pera si Manny.
—Daniel
***
baka naman kasi ang BIR ay hindi nabalatuhan ni pacman…. hahaha… life in the phils. is really funny.
—ILLEGALBuster911
***
at least hindi nakaw ang yaman ni PAKMAN…hindi katulad ng iba dyan, nagmamalinis, e’ KAWATAN naman……. mga YAWA
—Leo
***
DAPAT LAHAT NG CONGRESSMAN AT MATATAS NA OFFICIAL NG GOBYERNO PATI MGA MAYOR AT COUNCILOR TUTUKAN ANG INCOME TAX, PARA FAIR ALAM NATIN FAIR NAKUHA NI MANNY ANG PERA NIYA, PERO DAPAT SUMUNOD PA RIN SYA SI PACMAN SIYA SA AUDITING NG BIR, PERO DAPAT UNAHIN ANG MGA TOP OFFICIAL NG BIR. PARA WALANG DUDA.
—Goldelguira
***
HABULIN lahat ng d nagbabayad ng tamang buwis…
—Harry
***
The maximum penalty is two years in jail and a fine of up to 10,000 pesos ($235), Diesto said. Hay nako. napaka baba naman. Baka sampalin nila ng 1m ang mga corrupt dyan sa gobyerno iurong na ang kaso. yung 1m na yun barya barya lang sa mga bigtime tax evaders
—Jay
***
Tell me, sino ba ang nakulong sa hindi pagbabayad ng buwis sa Pilipinas since 1946? May nakulong na ba ang BIR? Give me a name. Kung wala, Pacman will KO the Taxman on the 1st round.
—Depektib
***
kong seryoso talaga ang presidente nyo at ang bir dapat e public lahat mga saln nila. limpak2 na salapi ang tinaatgo nila lalo nat alam nila na wlang kokontra sa kanila. ma karma sana kau. wlang kataposang korapsyon ito pag pili2 lang ang inusig nang bir at ang ang pagpalabas nag mga saln. kong hinamon nyo si cj dapat as a role model epakita nyo rin sa publiko saln nyo at baka pati ako ay maniwala sa palpak na administrayon na ito.
–Rex
oOo
Para sa inyong reaksyon at opinyon hinggil sa pagputok ng malalaking isyu sa bansa, mag-text sa 09192848266
o mag-email sa evendemata@gmail.com
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply