Gov. ER Ejercito nadamay lang sa matinding insecurity ng ENPRESS sa PMPC?

WELL, may dapat bang ika-insecure ang ENPRESS o Entertainment Press Society sa Philippine Movie Press Club (PMPC)? Very obvious namang meron. Kahit kasi na ano pang gawing effort ng ENPRESS na tapatan ang iniwanan nilang grupo (yes, karamihan sa members and officers nila ay galing PMPC) talagang hindi nila maabot pa ang kasikatan ng nasabing award giving body lalo pa’t ito ang mas kinikilala sa showbiz.

Tingnan n’yo na lang sa mga presscons, laging bida ang grupo at tuwing Pasko sa caroling, nila mas pinapaboran sila ng mga artista, producer etc. We are not for PMPC. Lagi nga namin silang pinipitik kapag may nakikita kaming hindi tama sa kanilang ginagawa. Ang sa amin lang, hindi porke’t alam ng ENPRESS na mas malapit si Laguna Governor ER Ejercito sa PMPC at very vocal ang aktor-pulitiko sa pagpapa-abot nito ng labis-labis na pasasalamat sa grupo dahil sa Darling of the Press award nito, pepersonalin na nila ang alaga ni Mama Jobert Sucaldito at kanila nga itong inilaglag para sa mga nominado nilang Best Actor.

Unfair naman ito sa part ng gobernador lalo pa’t kilala siyang mahusay na actor at ang galing-galing nga ng acting nito sa kanyang MMFF entry na “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” na tumabo sa takilya.

Mabuti sana kung ham actor ito na puwedeng balewalain na lang nila. Saka bakit kailangan n’yo pang mag-imbestiga kung sa lahat ng award giving bodies ay nominado ba sa pinakamahusay na actor ‘yung tao? Malinaw na pinepersonal n’yo na ang ma-PR pa namang alagang ito ni Mama Jobert Sucaldito.

Another thing, nasaan naman ang delicadeza n’yo, aber? Hindi na nga ninyo in-appreciate ang acting ni Gov. ER sa remake na action movie niya ay hihingan n’yo pa ‘yung tao ng solicitation ad worth 100K para sa souvenir program nyo. Sana, huwag na kayong humingi ng pabor sa mga taong minamaliit ninyo at hindi pinahahalagahan.

Tama lang at agree kami sa ginawang pagpunit ni Mama Jobert ng mahiwagang solicitation form ng ENPRESS na ‘to. Wapak gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply