Government hospitals gawing GOCCs – Drilon

NAGHAIN ng panukalang batas ang isang senador upang bigyan ng fiscal autonomy ang 26 national government hospital kabilang ang Jose Reyes Memorial Medical Center at San Lazaro Hospital at gawin na itong government-owned and controlled corporation (GOCC).

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, layunin ng panukalang Senate Bill No. 3130 na bigyang kalayaan ang government hospitals na makagawa ng sariling pamamaraan upang makakalap ng hiwalay na pondo na siyang magagamit sa pagpapaunlad ng serbisyong pangkalusugan.

“Kapag mayroon nang fiscal autonomy ang mga government hospital, magbubunga ito ng mas mahusay na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan at makatitipid din ang pamahalaan sa pondo na magagamit sa iba pang pagkilos sa kalusugan,” paliwanag ni Drilon.

Nakatakda sa SB 3130 na may titulong  “National Government Hospital Corporate Restructuring Act” na magiging GOCCs na ito alinsunod sa itinakda ng GOCC Governance Act na pinagtibay noong nakarang taon.

Sakaling maisabatas, mabibigyan ng kapangyarihan ang gov’t hospitals na makilahok sa gawaing kumita at gamitin ang kikitain dito bilang subsidy sa medical care ng mahihirap na pasyente.

Kabilang sa panukala ni Drilon ang   Cagayan Valley Medical Center, Veterans Regional Hospital, Baguio General Hospital and Medical Center, Region I Medical Center, and Ilocos Training and Regional Medical Center in Northern Luzon; Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center and Jose B. Lingad Memorial Medical Center in Central Luzon; at Batangas Regional Hospital in Southern Luzon.

Bukod dito, isasama rin ang Bicol Medical Center and Bicol Research Training and Teaching Hospital sa  Bicol Region at Quirino Memorial Medical Center, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Rizal Medical Center, Amang Rodriguez Medical Center, San Lazaro Hospital, at Vicente Sotto Memorial Medical Center sa National Capital Region.

Sa Visayas Region, kabilang dito Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, Western Visayas Medical Center sa Region VI at Eastern Visayas Regional Medical Center sa Region VIII.

Sa Mindanao, gagawing GOCCs din ang Northern Mindanao Medical Center sa Cagayan de Oro, Mayor Hilarion A. Ramiro, Sr. Regional Training and Teaching Hospital sa Region X; Southern Philippines Medical Center at Davao Regional Hospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply