Grace Ibuna kay Aleli: ‘Ang kabit itinatago’

ILANG araw matapos mailibing ang kanyang 6-year live-in partner na si Cong. Iggy Arroyo ay nagsalita na si Grace Ibuna.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, sinagot ni Ibuna ang tanong na itinatatak sa kanya bilang kabit lamang siya ng yumaong kongresista.

Ani Ibuna, ang kabit ay para sa mga babaeng ibinabahay lamang ng lalaking nakikisama pa rin sa isang babae at nakatira sa iisang bubong.

” Ang kabit ay itinatago sa publiko, which is hindi ginawa kailan man sa akin ni Iggy.”

Matatandaan na sa kasagsagan ng burol ni Iggy ay pinarunggitan ni Aleli Arroyo, legal wife ni Iggy si Ibuna sa pagsasabing iisa lang ang asawa.

Matapang namang sinabi ni Ibuna na siya ang ipinakilala ni Iggy sa publiko at mismong ang kongresista aniya ang nagsabi na hiwalay na sila ni Aleli nung nabubuhay pa kaya wala siyang dapat na ipaliwanag sa publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply