Grace Lee iiwan na si Mo Twister

YES iiwan na ng kontrobersyal na TV and radio personality na si Grace Lee si Mo Twister. Iiwan na ng magandang Koreana ang morning program nila ni Mo na “Good Times” sa Magic 89.9.

Ang pag-alis ni Lee sa naturang programa ay kinumpirma mismo ni Andrew Santiago, ang station manager ng Magic 89.9.

Nagpadala na raw ng sulat ang “apple of the eye” ngayon ni Pangulong Bengino Aquino III para pormal na magpaalam sa kasamahan na bibitawan na niya ang Good Times.

Ani Grace Lee, nahihirapan na siyang i-handle ang format ng naturang programa.

Mula raw kasi ng maugnay kay Pangulong Noynoy ang dalaga ay binibigyan na ng malisya ang lahat ng kanyang sabihin.

Si Lee ay apat na taon nang nasa Good Times kasama ang kontrobersyal na DJ.

Ayon pa sa ulat, naging masaya naman si Grace sa kanyang pagtatrabaho sa nabanggit na programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply