Grade 2 pupil pinasabugan ng granada

KRITIKAL ang Grade 2 pupil matapos tamaan ng inihagis na granada ng kanyang tiyuhin sa pag-aaring videoke bar ng ama ng biktima sa Alaminos, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Realyn Najorda, sumasailalim pa sa operasyon sa tuhod sa Western Pangasinan District Hospital, matapos tamaan ng shrapnel ng granadang inihagis ni Perfecto Lazo, ng Brgy. Bued Alaminos City.

Sa imbestigasyon, dumating kagabi sa Lucky 1 Videoke Bar ng kanyang kapatid na lalaki ang suspek kasama ang dalawa pang lalaki sakay ng tricycle at walang sabi-sabing hinagisan ng granada ang bar ng kapatid.

Nang sumabog ang granada ay tinamaan ang bata sa tuhod.

Nabatid na nabuwisit ang suspek sa biktima nang hindi siya tulungang makapag-piyansa matapos makulong sa kasong pagnanakaw.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply