Graduating student, buntis nalunod sa ilog

SA halip na graduation party ay nauwi sa burol ang selebrasyon sana ng anim na taong gulang na lalaki makaraang malunod sa ilog kasama ang ina nitong tatlong buwang buntis sa Camarines Sur.

Sa report, nauwi sa trahedya ang sana ay masayang pagsasalu-salo ng pamilya Miserilla nang patay na nang maiahon sina Errol John at kanyang ina na si Antonet Miserilla sa Cabusao, Camarines Sur.

Sa ulat na isinumite ni PO3 Glenn Dilanco spokesman ng PNP-Cabusao, mamamalengke sana ang mag-ina para sa ihahanda sa selebrasyon ng pagtatapos ng anak nang anurin sila ng tubig ilog.

Nabatid na 15 oras ang paghahanap sa mga biktima at kaninang umaga lamang nakuha ang bangkay ni Errol John habang ang sa kanyang ina ay nakuha sa pampang sa Barangay Barcelonita, Cabusao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply