Graduating student ginilitan ng magnanakaw, kritikal

KRITIKAL ang isang Grade 6 pupil na nakatakda sanang marmartsa sa kanilang graduation ceremony makaraang saksakin sa leeg ng mga nanloob sa kanilang bahay sa General Santos City.

Kinilala ang biktima na si Wincer Dela Rosa, 12, residente ng Barangay Fatima sa lungsod ng GenSan.

Ayon sa ina ng bata na si Judith, umuwi ang kaniyang anak dakong alas-11:00 ng tanghali mula sa kanilang pagsasanay sa graduation nang maabutan ang hindi kilalang lalaki na may kinukuha sa loob ng kanilang bahay kung kaya biglang sumigaw ang biktima upang makahingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Dahil dito, ikinagalit ito ng suspek kaya nilapitan at saka ginilitan sa leeg.

Narinig naman ng mga kapitbahay ang paghingi ng saklolo ng bata kaya’t nirespundehan nila ito kung saan bumulaga sa kanila ang biktima na duguan na ngunit hindi nila naabutan ang suspek.

Kasalukuyan pang ginagamot ang biktima ngunit ayon sa ina ng biktima, hindi pa rin makapagsalita ang bata na sana ay aakyat na ng entablado para sa graduation nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply