Graft case vs Tesda chief ibinasura ng Ombudsman

TULUYANG ibinasura ng Ombudsman ang kasong graft na isinampa laban kay Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva.

Sa desisyon ng Ombudsman, ibinasura ang mga kasong paglabag sa anti-graft law, Omnibus Election Code at iba pang batas laban kay Villanueva dahil sa kawalan ng sapat na merito.

Bukod kay Villanueva, kasama rin sa inabswelto ay ang iba pang myembro ng Citizens Battle Against Corruption (CIBAC).

Nag-ugat ang kaso matapos na magsampa ng reklamo ang isang Milagros Amores laban kay Villanueva noong kinatawan pa siya ng CIBAC Partylist kung saan iginiit nito na iligal ang pagiging kinatawan nito sa CIBAC.

Dagdag pa ng Ombudsman, nabigo ang complainant na patunayan ang mga alegasyon nito laban kay Villanueva tulad na lamang ng pamemeke ng mga document bilang kinatawan ng CIBAC sa partylist elections.

Sinabi naman ni Villanueva na inaasahan na niya ang naging desisyon ng Ombudsman dahil sa umpisa palang ay wala naman talagang basehan ang mga alegasyon laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply