GRO binurdahan ng saksak, tigbak

PATAY ang isang 23 anyos na GRO matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner nang sila’y magtalo sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa Barangay Del Monte, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ni chief inspector Rodel Marcelo hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Lourdes Cuano, ng 23-B.Osmena corner Gen. Wood Street, Brgy. Del Monte, QC na natagpuang wala nang buhay.

Ayon kay SPO3 Rafael de Peralta ng QCPD-CIDU, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang inuupahang kuwarto sa 23-B Osmeña corner Gen. Wood Street, Brgy. Del Monte, QC dakong 11:00 ng umaga kanina.

Itinuturing naman ng pulisya na pangunahing suspek sa naturang krimen ang live-in partner ng biktima na si Francisco Ramos, isang security guard ng naturan din address.

Sinabi ng witness na si Alvin Curicana, may-ari ng inuupahang kwarto ng mag-ka-live-in, na bago nakitang wala nang buhay ang biktima narinig na nag-aaway muna ang dalawa sa hindi pa mabatid na kadahilanan dakong 6:00 ng umaga kanina.

Pagkatapos, tumigil ang umano’y pagtatalo ng maglive-in at ilang oras na tumahimik.

SUnod nito ay nakita na lamang na naliligo sa kanyang sariling dugo ang biktima at wala nang buhay at tadtad ng tama ng saksak sa kanyang katawan.

Nakita sa pinangyarihan ng krimen ang isang kitchen knife, gunting at pregnancy test sa inuupahan ng maglive-in.

Ayon sa mga awtoridad selos ang tinitignang motibo at dahilan ng naturang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply