GSIS AT SSS pipol bantayan yang PPP

SABI ni PNoy, aarangkada na ang Public-Private Partnership.

Maganda.

Heto lang ang ilang  tanong.

Solusyon na ba ang mga PPP na yan sa sobrang mahal na petrolyo, kuryente, tubig at mga bilihin?

Solusyon ba yan sa malas na kontraktuwalisasyon at mababang sahod ng mga obrero, sobrang mahal na toll sa mga highway, sobrang mahal at shotgun na expanded value added tax at sa kawalan ng lupa ng milyong magsasaka, kabilang na ang mga nasa Hacienda Luisita?

Solusyon ba yan sa paglayas ng milyon-milyong mamamayan tungo sa ibang mga bansa para mabuhay at pagkamatay ng milyon-milyong bata at maysakit sa kawalan ng pambili ng gamot at pampaospital?

Kung waepek sa mga problemang ito ang mga PPP na yan, para kanino ba talaga ang mga yan?

oOo

Sabi natin, bantayan ang mga PPP na yan.

Bakit?

Kasi, Suki, idadamay niyan ang mga salapi ng mga empleyado ng gobyerno at obrerong pribado.

Pinipilipit ng Malakanyang  ang Government Service Insurance System at Social Security System na maglabas ng tig-P50 bilyon bawat isa para ilaan sa mga PPP na yan.

Ibig kasing sabihin niyan, proyekto yan ng mga malalaking kompanya na lokal at dayuhan at kapakner ang mga opisyal ng gobyerno.

Yan ang mga proyektong doon lalawak ang mahal na toll, mahal na kuryente, tubig at
iba pa.

Parang ginigisa sa sariling mantika ang mga obrero sa gobyerno at pribadong kompanya at tao para masarap na lamunin ng mga dambuhalang kompanya at opisyal ng pamahalaan.

Ito na rin ang dahilan kung bakit ipinipilit na rin ng GSIS at SSS na itaas ang mga kontribusyon ng mga miyembro para magkalaman  ang matutuyuang pondo ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply