Gumahasa, pumatay sa 7-anyos na bata dakip na

NADAKIP na ng Parañaque City operatives ang dalawang gumahasa at pumatay sa 7-anyos na babae sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Ang nahuling mga suspek ay pawang mga menor de edad na ang isa ay nasa 17-anyos lamang at ang isa ay Grade 5 pupil.

Sa imbestigayon, nabatid na pinatay ng mga suspek ang batang biktima nitong Pebrero 25 saka itinapon sa creek ang bangkay nito na natagpuan naman nitong Marso 6.

Nahuli ang mga suspek sa kani-kanilang bahay matapos inguso ng lumutang na testigo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply