Gusali ng Customs sa Cebu nanganganib gumuho

UMAAPELA ang pamunuan ng Cebu Customs kay Pangulong Bengino Aquino III na ibalik na sa ahensya ang dating gusali nito na ginawang Malacañang of the South noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ay dahil nagkaroon ng structural damage ang nilipatang gusali ng Cebu Customs sa loob ng warehouse ng Philippine Ports Authority sa Port of Cebu nang tumama ang magnitude 6.9 na lindol nitong Pebrero 6,2012, na naglagay sa panganib sa mga empleyado nito at mga taong nakikipagtransaksyon sa ahensya.

Hiniling ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kay Pangulong Aquino, na payagan nang bumalik ang BOC Cebu sa dati nilang tanggapan sa tapat ng Plaza Independencia sa Morga St. sa Cebu City na matagal ng bakante.

Marami na aniyang malalaking bitak ang mga dingding at hindi na pantay ang mga sahig ng gusali na inookupahan ngayon ng Cebu Customs. Kinukuha na rin ng PPA ang nasabing gusali dahil kailangan na umano nila ito.

Hindi naman naghihinayang si Port of Cebu District Collector Ronnie Silvestre sa nagastos ng ahensya sa pagpapa-ayos ng lumang warehouse ng PPA simula nang ilipat ang Cebu Customs office doon dahil mas mahalaga pa rin aniya ang kaligtasan ng mga tauhan ng BOC at ng publiko sakaling magkaroon muli ng malakas na lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply