Gwen Zamora ayaw lumebel kay Sam Pinto

HINDI nakikipag-compete si Gwen Zamora  kay Sam Pinto. Pilit pa rin kasing pinagku-compete ang dalawa dahil pareho silang GMA stars, pareho din silang magkasama sa Bubble Gang bilang member ng Bubblets, at halos iisang panahon kasi silang nagsimula sa GMA7 last year.

Pareho rin silang nagkapangalan agad sa showbiz kaya ginagawan kaagad sila ng rivalry.

Nang nakausap namin si Gwen sa press interview sa kanya para sa movie niyang The Witness, pilit niyang sinasabi na hindi siya nakikipag-compete kay Sam. Iba naman kasi ang management group ng magandang sexy actress, bukod pa sa hindi pa siya nagpu-pose sa FHM.

Ani Gwen: “Hindi pa ako ready na mag-pose sa FHM. Kailangan ko pang magpaseksi nang husto bukod pa sa gusto kong maging wholesome ang aking image. Di naman against ang parents ko run, di ko pa lang talaga feel. Siguro pag naramdaman ko na. Hehehe!”

Sa ngayon, very proud si Gwen sa pagkapili sa kanya ng Indonesian filmmaker na magbida sa The Witness na pang -international release.

Maraming artista sa iba’t ibang bansa sa Asia ang nai-konsider pero talagang na-star- struck sa kanya ang director sa The Witness kaya laking pasalamat niya na siya ang napili.

Di naman daw siya totohanang nahirapan sa paggawa ng nasabing pelikula. Nagka-problema lang siya sa language barrier nang nag-shoot siya sa Jakarta, Indonesia, bukod pa sa food na ibang-iba kaysa sa Pilipinas. Sa March 21 na ang showing ng The Witness sa lahat ng mga sinehan.

ooo

TEEN-AGER na nga si Bea Binene pero ayaw niyang pahalik on screen sa lips. Pero may successful love team na siya sa katauhan ni Jake Vargas. Successful daw ang kanilang team up at naka-pitong pagtatambal na sila sa iba’t ibang programa o soap opera. Kampante na sila sa isa’t isa kapag may mga maroromansang tagpo, di maiaalis na tanungin sila kung papayag ba silang magkaroon ng kissing scene dahil magkatambal silang pala-palagi sa kanilang soap kung saan ang latest nga nila ay ang Alice Bungisngis na mapanonood bago ang 24 Oras.

Nang tanungin ang dalawa, magkaiba ang sagot nila. Si Bea ay nagsabi na super bata pa siya at 14 para sa mga kissing scenes.

Si Jake naman, on the other hand ay positive agad ang sagot. Okay na sa kanya ang kissing scene at ang unang gusto niyang mahalikan sa lips ay si Bea.

Natawa lang si Bea sa tinuran ni Jake.

Magkasama pa rin ang dalawa sa Tween Hearts, ang feature episode ng Reel Love na mapanonood tuwing Sunday pag- tapos ng Party Pilipinas sa GMA 7.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply