Halikan nina Derrick at Kylie sa Tween Hearts super haba

SUPER madamdamin ang pag-awit ni Derrick Monasterio sa Party Pilipinas ng theme song na Before I Die para sa movie na The Witness na bida si Gwen Zamora na ginawa pa sa Indonesia.

Nakapaninindig-balahibo ang taas ng kanyang boses at halatang tenor siya lalo na sa bandang huli ng song kung saan boses lang niya ang naririnig.

Kasama niyang kumanta pa ang dalawang batikang singers na sina Ogie Alcasid at Mark Baustista. Tuwang-tuwa si Derrick kapag nakakasama niya sa isang production number sa Party Pilipinas si Ogie dahil idol niya ito. Talagang pinalakpan nang husto ang bagets na singer-actor sa kanyang awitin. Samantala, balita sa amin ng aming source na si Derrick pala ang nag-guest sa graduation rites ng anak ni Ms. Annette Gozon-Abrugar na grumadweyt ng high school recently sa Poveda sa EDSA.

Hindi kataka-taka na pinagkaguluhan din si Derrick sa affair na iyon. Iba talaga ang charisma nito sa mga kabataan ngayon.

Naikuwento nga ng isang high school student ng Jose Rizal University na madalas topic ng mga girls si Derrick. Pinag-uusapan daw lagi ng mga kabataan ang Tween Hearts kung saan magkatambal sina Derrick at Kylie Padilla. Bagay at cute raw ang dalawa. Pareho kasi silang may magandang mukha at tama lang daw ang height ni Kylie kay Derrick.

Pihado pag-uusapan din nila ang nangyaring eksena last Sunday (March 18) episode ng Tween Hearts na nagkabalikang muli ang dalawa sa kwento. Sweet sila at may halikan pa na medyo matagal. Tiyak maraming kinilig na fans.

000

NAKA-ISANG taon na si Alden Richards sa GMA7 pero kahit bago pa lang ay kinukonsider na siyang big potential lead actor ng Kapuso Network. Sikat na siya ngayon dahil isa siya sa GMA stars na nabiyayaan agad ng malaking billboard sa EDSA. Endorser siya ng isang clothing company.

Si Alden ngayon ay loveless pa rin. Di tulad ng ibang artista, determinado ang actor na huwag munang makipag-girlfriend hanggang gumagawa pa siya ng pangalan sa showbiz. Ayon sa kanya, nagka-girlfriend na siya nung wala pa siya sa showbiz. Bago siya pumasok sa showbiz ay nakipaghiwalay siya sa rito dahil alam niyang mawawalan na siya ng time para rito. Naka-apat na siyang girlfriends so far.

After Dennis Trillo, si Alden ngayon ang sinasabing “crush” na actor ng mga young female stars ng Kapuso. Bukod kasi sa malakas ang sex appeal, may ibubuga rin ito sa acting.

Isinama  pa siya sa Los Angeles para sa red carpet premiere ng first international released movie ng GMA Films na The Road. Isa kasi siya sa male leads rito kasama sina Rhian Ramos at TJ Trinidad.

000

TIMELY ang pagpasok ni Ken Chan sa showbiz. Kailangan na kasi niyang tumulong sa family sa panahong ito dahil ang kanyang amang dating may restaurant business ay nagkasakit sa kidney. Dahilan para tigilan na nito ang kanilang negosyo at si Ken naman magpursige sa bagong daigdig niya bilang artista nang makatulong naman siya sa kanyang pamilya.

Unang napansin si Ken sa commercials. Salamat kay Rams David na nakapag-ambag sa kanya ng apat na commercials para makilala siya nang husto. Pinakahuli rito’y ang Nescafe na naging daan para siya mapansin agad ng Tween Hearts at binigyan ng role at maging part ng tween soap ng GMA na mapanonood tuwing Sunday after ng Party Pilipinas.

Dahil sa talent sa acting, napasama rin siya sa top-rating Biritera bilang isa sa grupo ng bandang The Bridge kung saan lead vocalist si Dennis Trillo. Kasama rin si Ken sa Walang Tulugan ni German Moreno.

So far, kahit nahinto siya sa pag-aaral, binibigyan niya ng pagkakataon ang sarili na tuparin ang matagal na niyang pangarap na maging actor. Ipinangako niya kanyang daddy na tatapusin rin niya ang kolehiyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply