Hamon kay Gen. Mario dela Vega

HINDI pala jueteng, kundi iligal na sugal na lotteng ang puno’t dulo ng pambubulyaw ng isang Quezon City Police District (QCPD) colonel (superintendent) sa kanyang subordinate na major (chief inspector).

Nagalit daw si colonel kay major nang ipahuli ng huli sa kanyang mga tauhan ang kubrador ng lotteng (‘di jueteng na nauna na nating nabanggit), kaya pinagbubul-shit niya ang kawawang police major.

Natalakay din natin na kaya nagalit si colonel kay major ay dahil tumatanggap ito ng ‘lagay’ at pinoprotektahan nito ang gambling financier.

Pero sa bagong natanggap natin na balita, si colonel pala ang ‘boss’ ng mismong nahuling lotteng collector dahil siya ang financier ng nasabing sugal, kasosyo ang isang nagngangalang ‘Lito Motor.’

Mula nang magsama sa negosyong (lotteng) sina colonel at Motor, nagkaproblema raw ang isa pang lotteng operator na si Ver Bicol dahil ang kanyang mga kubrador ay pinahuhuli raw ni colonel.

Susmaryosep. Kaya naman pala galit na galit si colonel sa ginawa ni major.

Siya pala ang nagpapasugal sa lungsod ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista. Ang ‘lawman’, siya na ang lawbreaker.

Kaya naman pala ‘di  masawata ang operasyon ng lotteng sa QC ay dahil ang mga operator at financier ay mga opisyal pa ng kapulisan.

Kaya ‘di nakapagtataka na sa panahon ngayon, ayaw nang magtrabaho ang mga pulis dahil mismong mga bosing pa nila ang nasa likod ng mga iligal.

Kung ‘di protectors, sila ang financiers at operators.

Nakalulungkot na ang QCPD na isang premier police district ay nahaluan na ng mga opisyal na ang habol sa posisyon ay ‘di para magtrabaho kundi gumawa ng kalokohan sa ngalan ng pera.

Ang nangyaring pambubulyaw ni colonel kay major dahil ginawa ng huli ang tama ay ‘di dapat palagpasin ng mga matitinong miyembro ng QCPD. Dapat nilang kondenahin ang ginawa ni colonel.

Noong panahon ni ‘Lakay’ (Gen. Rudy Garcia), ‘di puwede ang ginawang pambubulyaw ni colonel kay major. Sa kangkungan ang bagsak ng mga ogag na opisyal noong si Garcia pa ang QCPD director.

Ngayon, hamon natin kay C/Supt. Mario de Vega, baka puwedeng sundan niya ang style ni ‘Lakay’ para tumino ang QCPD.

Subaybayan natin.rbisyo o kompanya na nagsasamantala sa mga tsuper, opereytor at konsyumer

Kung sumasang-ayon ka sa mga nakasulat sa itaas, welcome kang kasapi, ‘tol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply