Hamon kay PNoy: Gamitin ang power vs oil price increase

ILANG kongresista ang humahamon ngayon kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, na gamitin ang kanyang kapangyarihan para tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ani House Minority leader Danilo Suarez, pag-isipan dapat ni PNoy ang posisyon tungkol sa pagsuspinde sa value added tax (VAT) sa langis para maibaba ang presyo ng naturang produkto.

Hirit namann ni Zambales Rep. Milagros Magsaysay na malaman kung ano ang mga plano ng Department of Energy upang tugunan ang nasabing problema.

Matatandaan na nauna nang iminungkahi ni Sen Ralph Recto, na ibalik na lang sa 10 percent mula sa kasalukuyang 12 percent ang singil sa VAT sa mga bilihin, partikular sa petrolyo.

Ipinaliwanag ng senador na mas maganda na ang lagay ng ekonomiya ngayon kaya uubra ang nasabing hakbang kung sakali.

Pero nanindigan ang Malakanyang na hindi pa napapanahon para tanggalin ang 12% vat dahil sa paniwalang maapektuhan ang koleksiyon sa buwis ng pamahalaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply