Hanson brothers nasa Pinas na!

DUMATING na kagabi (Marso 28) ang American pop/rock band na “Hanson” sa Pilipinas para sa kanilang concert.

Nagpahayag agad ang grupo na kinabibilangan nina Isaac, Zac at guwapong-guwapong si Taylor, ng excitement na magpakitang-gilas at makasama ang kanilang mga Pinoy fans.

Unang magko-concert ang grupo sa Araneta Coliseum bukas (Marso 30) at sa Waterfront sa Cebu, Lahug naman sa Sabado (Marso 31).

Ang mga pinasikat na kanta ng Hanson brothers ay ang “MMMBop,” na naging dance craze pa noon, “Where’s the Love,” “Penny and Me” at ballad na “I Will Come to You” at Underneath.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply