Hapon timbog sa pagpapatakbo ng ‘ending’ sa Japan

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na pinaghahanap ng batas sa Japan matapos na kopyahin nito ang istilo ng sugal na ‘ending’ sa Pilipinas upang magpatakbo ng kaparehong istilo sa nasabing bansa.

Kinilala ng kawanihan ang dayuhan na si Takashui Kumamoto, 66-anyos, ng Kawa City, Ishikawa Prefecture.

Si Kumamoto ay nahuli noong Pebrero 23 sa tinutuluyang bahay nito sa Barangay Tugatog, Malabon City.

Batay sa imbestigasyon, nagpapatakbo si Kumamoto ng isang iligal na sugal sa kanilang bansa kung saan tinatayaan ng mga mananaya ang magiging resulta ng laban sa pagitan ng mga koponang kasali sa Japan professional baseball tournament.

Nabisto ang raket ni Kumamoto nang magsumbong sa Japanese police ang isang nalokong mananaya sa halagang 5.7 million yen at kinasuhan ang dayuhan ng illegal gambling.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., humingi ng ayuda sa kawanihan ang Japan Interpol upang maaresto si Kumamoto matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang summary court sa Kanazawa City noong Disyembre 9, 2011.

Nabatid na isang overstaying alien si Kumamoto makaraang dumating ito sa Pilipinas noong Nobyembre at hindi na nakuha pang magsumite ng aplikasyon para mabigyan ng palugit ang paninirahan nito sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply