Hayden Kho ibinasura na ni Vicki Belo!

SI CRISTALLE Belo ang nag-welcome kay Vice Ganda bilang newest endorser ng Belo Medical Group.

Ang scars sa kanyang mukha at hair sa legs ang treatment na gagawin kay Vice at sa una, gagamitin ang Fractional CO2 na sabi ni Cristalle, ang Belo lang ang mayroon dito sa Pinas.

Ang billboard ni Vice ang ipapalit sa billboard ni Jinkee Pacquiao at ang tagline na gagamitin ay Beauty is Fun! Make Belo your Vice!

Nagpasalamat si Vice sa pagkuha sa kanya bilang Belo endorser at sarili raw niyang desisyon ito at hindi siya na-influence ng mga kaibigang Belo endorser rin.

Siya rin ang first openly gay endorser ng Belo at masaya si Vice dahil marami raw bading sa showbiz.

Sabi pala ni Cristalle, hindi umiiwas sa press ang inang si Dra. Vicki Belo kaya wala sa contract signing/presscon ni Vice.

Hindi na lang daw nito nabago ang schedule ng trip sa Germany.

Nag-issue na rin ng official statement si Cristalle sa status ng ina after ng breakup nito kay Hayden Kho, Jr.

Hindi na raw nakikipag-usap ang mommy niya sa “that guy” at mukhang pinaninindigan ang breakup. Sinasabi pa rin ng mom niya na “I miss him” and “I’m still sad.”

Hindi naman niya pinababayaan ang ina at nakatakda silang magbakasyon sa Morocco at India.
“It doesn’t excite me to see her miserable,” sabi ni Cristalle.

***

MATAGAL na naming kaibigan si Robbie Haze, noong struggling singer pa lang siya. Sobrang tiyaga ni Robbie na nakabantay sa isang minor show namin noon sa isang cable station.

Desidido raw talaga siyang gumawa ng pangalan kaya nagpapatulong siya.

We parted ways at wala na kaming nabalitaan sa kanya, (that was 2007 yet), until we crossed path again sa isang networking site.

This time, biggie na si Robbie na medyo establisado na siya. Kasali pala siya sa Red Tomatoes band na kahit naman paano ay may pangalan na.

Red Tomatoes band is now in demand at meron ng mga gigs kahit paano.

By the way, Red Tomatoes is under the umbrella of Samahang Musikero sa Pilipinas. Ang banda ay binubuo nina Robbie sa vocals, Jhonbert on lead, Marl on bass and Sbone on drums.

Pop Rock alternative ang genre ng music nila at sa kasalukuyan naglabas sila ng isang 7-track
album which will soon enjoy airplay sa mga pangunahing FM station.

Katatapos lang nilang mag-show sa Headstock Bar last March 12, Ten02 Bar In Timog on March 20 at sa March 21 naman ay sa Autonomy Music Bar sa Mandaluyong.

Robbie Haze is from Imus, Cavite, while the rest of the guys are form Fairview in Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply