Hayop, tao namamatay sa kumbersyon ng lupa

NAPAPANSIN ba ninyong mabilis na kumakalat ang kumbersyon ng lupa kahit saan?

Wataymen, mabilis na nagiging subdibisyon, parke ng negosyo at istayl asyenda ang mga lupain.

Derpor, mabilis nang nawawala ang mga pastulan ng mga hayop kahit saan.

Kasabay ng pagkawala ng mga pastulan at  hayop ang paglalaho rin ng lahing magsasaka.

oOo

Heto ang isang masakit na kalagayan.

“Di ba nagpapalaganap ang gobyerno ng mga hayop gaya ng kalabaw?

Ito’y para makatulong umano ang mamamayan sa pagtitiyak ng suplay ng karne at gatas.

Iba pa ang pagkakaroon ng produkto rito gaya ng balat ng kalabaw na pupuwedeng gawing sinturon, bag at kilawin sa mga okasyon.

Maganda ang layunin pero mas mabilis na inaararo ng mga buldoser, peyloder at bakho ang mga pastulan kaysa ang pagpaparami ng mga hayop.

Iba pang problema siyempre ang nagsimula nang tag-araw na pumapatay sa mga damo kahit saan hanggang sa mawalan ang mga kalabaw, kabilang na ang mga baka at kambing, ng makakain.

oOo

Pinakamasakit ang kuwento ng mga kasama sa mga sakahan.

Sa kanilang pagiging kasama sa palayan o maisan o gulayan, nag-aalaga ang mga ito ng kalabaw at iba pang hayop para pandugtong ng kanilang buhay.

Pero dahil nga sa kumbersyon ng lupa, pinaaalis na ang mga kasama sa lupa, kasama ang kanilang mga alagang hayop.

Dahil dito, may mga namamatay nang kasama sa lupa. Namamatay sila hindi lang dahil sa sama ng loob kundi dahil sa paghihirap at gutom na kanilang dinaranas sa buhay.

Pumapatay na ng hayop, tao at kapaligiran ang kumbersyon ng lupa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply