Health benefits ng red wine

SA TUWING may okasyon ang red wine ang isa sa paboritong inumin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang parte ng mundo, lalo na yung may malamig na klima.

Dumarami ang kabutihang naidudulot ng red wine sa kalusugan ng tao, ayon sa mga isinasagawang pananaliksik.

Naniniwala ang mga scientist na nauso ang red wine noon pang 5400 B.C.

Health benefits:

Sleep
May mga bagong pag-aaral na nagpapakita na ang red wine, especially ang Cabernet Sauvignon, Chianti, at Merlot, ay may melatonin. Ang melatonin ay nagre-regulate sa tinatawag na “body clock,” so, ang pag-inom ng isang baso ng red wine bago matulog ay ayos lang. Ang melatonin ay isa ring anti-oxidant, ibig sabihin ang red wine ay may anti-aging at cancer preventative properties.

Longevity
Nabatid na ang isang compound ng red wine na tinatawag na resveratrol ay sinasabing nagpapataas sa lifespan sa mga animal studies.

Brain Health
Ang resveratrol rin ay nagpoprotekta sa tao na magkaroon ng Alzheimer’s disease at dementia.

Heart Health
Ang red wine ay napag-alaman na nakare-reduce ng risk ng heart attack at cardiovascular disease dahil sa resveratrol at iba pang anti-oxidants na taglay nito.

Lung Cancer
Batay sa pananaliksik ng mga researchers mula sa University of Santiago de Compostela sa Spain, nabatid na ang kada baso o glass ng red wine kada araw ay nababawasan ang risk ng lung cancer ng 13%.

Prostate Cancer
Ang apat o higit pang baso ng red wine kada linggo ay nabatid na nakababawasan ng 50 porsiyento ang risk na magkaroon ng prostate cancer ang mga kalalakihan. Nababawasan din ng 60 porsiyento ang risk ng mga aggressive forms ng prostate cancer.

Breast Cancer
Sa mga kababaihan, ang moderate consumption ng red wine ay pinaniniwalaang nakabababa ng risk ng breast cancer. Ngunit, ang pag-inom na 1 o 2 alcoholic drinks kada araw ay nabatid na nagpapataas ng risk na magkaroon ng breast cancer. So ang susi ay moderation.

Colds
Base sa mga researcher mula sa Spain, nabatid na ang mga tao na umiinom ng mahigit dalawang baso ng red wine kada araw ay may 44% fewer colds kaysa sa mga hindi umiinom ng red wine.

Inflammation
Napag-alaman na ang resveratrol ay mayroong anti-inflammatory properties, na nakatutulong sa pangkalahatang kalusugan dahil ang karamihan sa mga diseases at ailments ay naa-attribute sa inflammation o pmamaga.

Cholesterol
Ang resveratrol sa red wine ay nabatid na nakapagpapababa ng LDL cholesterol. Ang saponins, iba pang ingredient ng red wine ay may cholesterol lowering properties.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply