Heat stroke ibinabala sa pagpasok ng summer

IBINABALA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang banta ng heat strike ngayong summer.

Ito ay dala na rin ng matinding init ng panahon.

Kasabay nito, ipinaalala ng NDRRMC sa lahat na huwag magbilad sa araw, palagiang uminom ng tubig at gumamit ng proteksyon sa matinding init.

Nagbabala ang NDRRMC hinggil sa heat stroke makaraang tatlo agad ang kanilang naitalang nabiktima nito partikular sa Caloocan City.

Nabatid na basta na lamang natumba ang mga biktima habang naglalaro ng basketball.

Pinaghahandaan na rin ng NDRRMC ang Semana Santa para sa ligtas na paglalakbay at pagbabakasyon na nakatakda ring itaas ang red alert status.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply