Heat wave pinangangambahan ngayong Summer

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang lahat ng may sakit at mahihina ang katawan ngayong tag-init.

Ayon kay DOH program manager for emerging and re-emerging infectious diseases Lyndon Lee Suy, sobrang mainit ang panahon ngayon kaya delikado sa matatanda at mga may sakit na magkaroon ng heat stroke.

Ang mga senyales ay sobrang pagka-uhaw, panlalamig ng kamay at paa at pagdidilim ng paningin.

Posible rin umanong mag-hallucinate o mahilo ang tatamaan nito.

Ayon sa DOH, mas makabubuting uminom ng walong baso ng tubig o higit pa kada araw, punasan ng malamig na bimpo ang katawan, magsuot ng preskong damit at iwasan magbabad sa initan lalo na mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Mas mabuti rin para sa mga matatanda ang manatili sa airconditoned na silid o kaya naman ay magbabad sa mga mall upang hindi tamaan ng heat wave.

Ani Lee, mga nakatatanda o senior citizens ang kadalasang hindi makatagal sa sobrang init ng panahon dahil mahina na ang kanilang resistensya.

Sa Tugegarao at Cagayan pa rin ang may pinakamainit na temperatura sa buong bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply