Helper dedo sa nag-collapse na bakal

PATAY ang isang helper nang mag-collapse ang inililipat na bakal na lalagayan ng gamit sa Navotas Lunes ng hapon, Marso 5.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Jesus Mondiego, nasa hustong gulang at helper ng Gulayan, Catmon ng lungsod.

Sa pahayag ng mga kasamang sina George Masilang at Boy Dipasupil, dakong alas-4:00 ng hapon, inililipat nila ng puwesto ang bakal na lalagayan ng gamit na may taas na 16 talampakan sa loob ng pinapasukan Trans Pacific Journey Fishing Corp. sa H,. Lopez st., North Bay Boulevard South ng lungsod nang bumigay ito.

Sa kasamaang palad, inabot ang biktima at dahil sa bigat ng bakal ay halos madurog ang katawan nito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply