Henares nanindigang walang ITR si CJ Corona

PINANINDIGAN ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang unang pahayag niya na nabigong makapaghain ng kanyang income tax return si Supreme Court Justice Renato Corona.

Ani Henares, wala siyang nilalabag kaugnay sa kanyang naging pahayag.

Binuweltahan din ng BIR chief ang pahayag ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) spokesperson Atty. Trixie Angeles, na maaaring ma-contempt si Henares, sa oras na mapatunayang nagsinungaling siya sa korte.

Banata ni Henares, na hindi siya dapat kasuhan kundi si Atty. Angeles at ang tagapagsalita ng punong mahistrado dahil hindi umano nila maipaliwanag kung ano ang ibinulgar at pinatunayan ni Araceli Bayuga, ang budget and disbursement officer ng Korte Suprema, sa impeachment court.

Kung hindi rin nila alam ang pinagkaiba ng ITR at alpha list, sinabi ni Henares na wala silang karapatang maging tagapagsalita ng IBP at ng depensa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply