Hepe ng Davao-PNP, 7 pa kinasuhan sa Ombudsman

KASONG pagnanakaw ang kinakaharap ngayon ng hepe ng Davao del Sur at pito niyang tauhan makaraang kasuhan ng apat na mangingisda sa Ombudsman .

Kinasuhan sina C/Insp. Venus Ortuyo, hepe ng Sta. Maria  Davao del Sur, SPO1 Eddie Pabila, PO2 Edwin Awitin, PO2 Edeles Abuhasim, PO1 Ernie Aplacador, PO1 Joana Marie Go, PO1 Rolly Orbita at PO1 Hilario Espina Jr nina  Salim Muhammad, Nelson Bujungan, Rogelio Samar at Guillermo Bricasio.

Nagsampa ng kasong pagnanakaw ang mga biktima nang hindi na anila ibinalik sa kanila ang ibang gamit sa pangingisda pati na rin ang 30 kilo ng huli nilang isdang lapu-lapu nang kunin ng grupo matapos silang dakpin sila noong Setyembre nakaraang taon.

Sa pahayag ng mga biktima, hinuli sila ng awtoridad habang nangingisda dahil sa paggamit ng compressor machine.

Pero noong araw na nahuli sila ay agad ding na-dismiss ang kanilang kaso pero hindi na ibinalik sa kanila ng mga nabanggit ang kanilang kagamitan maging ang 30 kilo ng huli nilang Lapu-Lapu dahilan para kasuhan ang mga nabanggit.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply