Hepe ng Los Baños sinibak na sa pwesto

DAHIL sa sunod-sunod na naitatalang krimen sa nasasakupan ay sinibak na sa puwesto ang hepe ng Los Baños Police, sampu ng kanyang mga tauhan.

Ani Laguna Police Director Senior Superintendent Gilbert Cruz, si Chief Dante Novicio at kanyang mga tauhan ay ililipat ng puwesto kapalit ni Police Chief Inspector Conrad Basungsong simula bukas ng umaga.

Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na krimeng naganap sa nasasakupan ng nabanggit na lugar na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nareresolba.

Matatandaang isang estudyante ng UPLB na si Given Grace Cebanico ang unang naitalang ginahasa bago pinatay noong isang taon sa labas ng campus.

Nito namang nakaraang linggo ay ang 14-anyos na estudyante na ginahasa rin at pinatay, hindi kalayuan sa lugar.

Kanina ay patay din ang isang estudyante ng UPLB matapos saksakin ng isa sa mga nangholdap sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply