High school stude pinilahan bago pinatay

KINAILANGANG isailalim ngayon sa medicol legal examination ang natagpuang bangkay ng isang third year high school student dahil hinihinalang biktima ito ng gang rape bago ito pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Negros Occidental, ayon sa report ng pulisya.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang bangkay ng 14-anyos na high school student ng Isabela National High School sa bayan ng Isabela ng nabangit na lalawigan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Isabela PNP, wala ng underwear ang biktima nang matagpuan ito at hinihinalang hinampas pa ng matigas na bagay sa kanyang ulo.

Positibong kinilala ang bangkay ng bata ng kanyang amang si Alejandro Alarcon ng Sitio Maricudo.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng Isabela PNP para na rin sa pagkakakilanlan ng salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply