Higit sa lahat ang tiwala ng tao ang dapat manaig

KAPAG nawala na ang tiwala ng tao sa nagsisilbi sa gobyerno lalo na ‘yung may mga matataas na posisyon  siguro ito na ang panahon para magbitiw na sila sa kani-kanilang mga puwesto.

Mahalaga kasi sa isang namumuno ang tiwala ng tao dahil ang kapangyarihan nila ay nakadepende rin naman sa suporta ng mga mamamayan. Kahit pa sa kaso ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na hindi naman inihalal ngunit siya ay itinalaga lang ni dating Pang. Gloria Arroyo na obligado rin na pagkatiwalaan siya ng mga mamamayan.

Ang posisyong hawak ni Corona ay di basta-bastang posisyon dahil ang posisyong ito ay panglima sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno kasunod ng Pangulo, Bise Presidente, Senate President at Speaker.

Halimbawa, kung sakaling magkakasama sa isang eroplanong bumagsak ang unang apat na mga lider ng gobyerno, sa ilalim ng Saligang Batas, ang hahalili bilang Presidente ng bansa ay ang Chief Justice.

Ngunit kung ang pag-uusapan ang impeachment trial na kinahaharap ni Corona at ang mga naglalabasang alegasyon na hindi nagdeklara ng tamang ari-arian niya sa kanyang ‘di isinapublikong Statement of Assets, Liabilities and Networth ay  mas marami ang wala nang tiwala sa Punong Mahistrado.

Kaya nga kung pagbabatayan ang mga survey na lumabas kay Corona ay sirang-sira ang pangalan ni CJ. Sa ibang bansa kasi ay pinahahalagahan ang pananaw ng mga mamamayan at binibigyan pahalaga rin ang dignidad ng opisyal, ang pagbibitiw sa puwesto ang mabisang paraan upang makabawi at maibalik ang dangal ng isang opisyal na hindi pinagkakatiwalaan.

Nasa kamay  na ni Corona kung magbibitiw siya at ipakita niya sa publiko na di siya “kapit-tuko” sa puwesto.

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o email  juandesabog@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply