Hiling na check-up ni GMA sa MMC malabo na

MALABO nang mapagbigyan ang hiling ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makapagpa-checkup sa kanyang cardiologist sa Makati Medical Center, matapos magbakasyon na kanina si Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Jesus Mupas ng Branch 112 na dumidinig sa kanyang kasong electoral sabotage.

Nauna nang humirit sa korte ang kampo ni GMA na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) upang makapagpasuri sa kanyang cardiologist sa Makati Medical Center.

Nakatakda sanang dinggin bukas ng umaga ang hirit ng abogado ni Gng. Arroyo na si Atty. Benjamin Santos dahil sa pananakit ng dibdib at pagtaas ng presyon ng dugo ng dating Pangulo, ngunit ayon kay Criselda Dumalaog, staff sa Branch 112 na nakabakasyon na si Judge Mupas.

Bukod sa hiling na makapagpatingin sa kanyang doktor sa MMC, hiniling din ni Gng. Arroyo sa korte na payagan siyang magtungo sa Lubao, Pampanga sa Abril 2 o 3 upang magpa-biometric registered voter subalit hindi na rin ito mapagbibigyan dahil wala nang itinakdang pagdinig ang Branch 112 hanggang matapos ang Semana Santa.

Sa Abril 10 na ang simula ng pagsasagawa ng pagdinig ng mga kasong nakahain sa sala ni Judge Mupas habang nakatakda naman sa Abril 12 ang pagdinig sa hiling nina Gng. Arroyo, Atty. Lintang Bedol at Andal Ampatuan, Sr. na makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply